Proud mama si Direk Joyce Bernal sa kanyang only child na si Liam. Parang kailan lang nu’ng ipakilala sa amin ni Direk ang bagets. Six or seven years old lang si Liam that time. And now, fourth year high school student na siya sa UST.
In about two to three years, magde-debut na ang unica hija ni Direk Joyce. Hindi naman daw siya afraid kapag pinutakte na ng mga manliligaw si Liam.
“Afraid ako kapag hindi niya ginawa ‘yung gusto niyang gawin dahil sa limitations. Nakakatuwa naman dahil ‘yung course na gusto niyang kunin sa college, International Studies, enjoy naman siya,” kwento ni Direk Joyce.
Happy din si Direk sa nangyari sa kanyang career nu’ng 2017 bilang director and as a producer. Same goes for 2018 dahil super blockbuster muli ang tandem nila ni Vice Ganda sa “The Revenger Squad” na kasali sa Metro Manila Film Festival.
Until now ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan ang entry nila, huh. Super kaaliw naman kasi ang movie. Kaya deserving talaga na manalo ang movie nina nina Direk Joyce, Vice, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach ng Kid’s Choice award sa MMFF.
Unexpected ang award na ‘to for Direk Joyce but just the same in-embrace na lang niya nang mahigpit ang naturang award.
Sa ngayon, tinatapos ni Direk Joyce ang movie niya na “Miss Granny” na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo. Kasama rin sa movie sina James Reid at Pepe Herrera. Pero aniya, wala raw kapareha sa movie si Sarah.
Bukod dito, may ipo-produce rin sila na movie under Spring Films na production nila ni Piolo Pascual with partnership kay Robin Padilla na tatalakay sa mga nangyari sa Marawi City tragedy.
Plus another one about healing na si Fr. Suarez na taga-Lipa ang nag-offer ng kwento sa kanila. Makikipag-co-produce naman sa Spring Films ang mga kaibigan ng pari.
“Hindi pa po namin alam kung sino ang director para sa ‘healing’ project namin, pero para siyang ‘Himala’ ni Ate Guy, parang ganoon. Lahat ‘yan for 2018. Tapos meron kaming tinatapos na movie for Spring Films, ‘yung kay Bela Padilla at Carlo Aquino. Si Aileen Villamor ang director at ang title niya ay ‘Meet Me at St. Gallen.’ It’s a place in Switzerland,” lahad pa ni Direk Joyce.
On the Marawi movie, dalawa raw ang pinagpipilian nilang gawin. Una, walang role sina Piolo at Robin sa movie kundi producers lang. Pero baka lumabas din sila sa project as guest stars. At ‘yung isa posibleng pagbidahan na ng dalawang superstar.