Jake Zyrus matumal ang raket, ayaw nang kunin ng mga produ

 

TAHIMIK na naman ang mundo ni Jake Zyrus. Walang anumang balita tungkol sa kanya. Isang source ang nakapagsabi sa amin na may pinaghahandaang malaking concert si Jake sa mga darating na buwan pero hanggang du’n lang naman ang impormasyong nalaman namin.

Medyo matumal ang mga raket ni Jake, mula nang lumantad siyang lalaki na ay parang tinabangan sa kanya ang mga producers, kahit sa ibang bansa ay hindi muna kinukuha ang kanyang serbisyo.

Hindi naman pinagsisisihan ng dating si Charice Pempengco ang kanyang desisyon.

Du’n siya maligaya, walang kahit anong makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan kundi ang paglalantad ng tunay niyang kasarian, sinabi rin ni Jake na sa buong buhay niya bilang singer ay ngayon lang niya naramdaman ang tunay na kaligayahan.

At ‘yun naman ang batas ng buhay. Kung saan ka maligaya ay dumoon ka.

Kapag hindi ka na maligaya ay lumabas ka. Binibigyan naman tayo ng pamimilian.

Read more...