Ellen Adarna kay John Lloyd: Sino ba ang mag-aakala na magiging kami?!


SA wakas, kinumpirma na rin ng sexy star na si Ellen Adarna ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Kahapon, kumalat ang “family picture” ni Ellen kasama si John Lloyd na kuha raw sa bahay ng pamilya ng aktres sa Cebu. Ayon sa social media followers ng dalawang Kapamilya stars, mukhang at home na at home na si Lloydie sa mga kaanak ng kanyang girlfriend.

Si Ellen mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng nasabing litrato na umani ng sandamakmak na likes at comments. Nilagyan niya ito ng caption na: “Fambam” with matching heart emoticon.

Sa comment section ng nasabing Instagram photo, may nagsabing maligaya sila para sa sexy actress na sinagot naman ni Ellen ng, “Di ba??? Hahaha! Kinsay nag too na ma kami diay lol!” (Translation: ‘Di ba? Hahaha! sinong mag-aakala na magiging kami lol!’)

Isa na lang ang hinihintay ng madlang pipol na aminin ni Ellen, ang balitang buntis na siya courtesy of John Lloyd.

Read more...