Miguel, Bianca nagpakilig sa tuktok ng bundok


NEW Year na New Year pero parang Valentine’s celebration ang ginawa ng BiGuel loveteam recently.

Muling pinakilig nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kanilang fans sa latest photo nila sa Instagram.

Nag-post kasi si Miguel ng photo nila ni Bianca sa kanyang IG account na kuha sa tuktok ng isang bundok. Nilagyan niya ito ng caption na: “1st peak together!”

Sabi ng ilang followers ng magka-loveteam, #RelationshipGoals talaga ang drama ng dalawang Kapuso stars ngayong 2018.

Pero sa kanilang serye gabi-gabi sa GMA Telebabad, ang Kambal Karibal, mukhang nangangamoy selos ang mga susunod na eksena.

Pareho kasing may gusto sina Diego (Miguel) at Makoy (Jeric Gonzales) kay Crisan (Bianca) at hindi basta-basta magpapatalo ang dalawa sa pagkuha sa puso ng dalaga.

Ano ang gagawin ni Diego para maka-score kay Crisan? Paano namang kokontrahin ni Makoy ang pogi points ng kanyang karibal upang sa kanya mapunta ang atensyon ng babaeng nililigawan?

Abangan ang mga nakakakilig at nakaka-excite pang mga eksena sa pagpapatuloy ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad pagkatapos ng Super Ma’am.

Kasama pa rin sa Kambal Karibal sina Carmina Villaroel, Alfred Vargas, Marvin Agustin, Jean Garcia at marami pang iba.

Read more...