Premyadong composer-director kinakarir ang mtv ng Clique 5

PAGPASOK palang ng January, 2018 ay ratsada na ang newest boy group na Clique 5 kasama ang ilang miyembro ng Belladonnas.
Nitong nakaraang Jan. 2 ay kaagad sumalang ang mga bagets para sa kanilang music video shoot for the song “Puwede Ba Teka Muna” composed by Joven Tan na kasama rin sa kanilang ilalabas na album this month. Happy set lang ang buong 316 Events And Talent Management while shooting sa Bangkal National High sa Makati at kitang-kita naman ang excitement sa pitong members ng Clique 5.
Mabusisi si Joven Tan kaya naman inabot din ng gabi ang MTV shoot nina Clay, Marco, Josh, Karl at Sean, with the new members Tim and Rocky. Pahinga lang kami sandali at around 10 p.m. that day ay bumiyahe naman ang grupo papuntang Miami Heat Beach Resort sa Morong, Bataan upang doon kunan ang isa pa nilang music video para sa”Ako Na Lang Sana”.
“We’re rushing these things because we wanted to launch the album this January, pero wala pang exact date. Then by February, hopefully ay makuha natin ang isang date para sa kanilang concert because they deserve it naman!
“After ng group launch nila last November ay naging busy na ang nga bata until now and gusto naming tuloy-tuloy ang init at ingay nil,” ang sabi ni Ma’am Len Carillo ng 316 Management.
Sabi pa ni Ma’am Len, proud sila sa bago nilang mga alaga na unti-unti na ring nakikilala sa mundo ng musika.
Disiplinado rin kasi ang mga bagets at mahal nila ang kanilang pinasok na trabaho at may respeto sila sa lahat ng mga taong nakakasalamuha nila.
Nasa YouTube, Spotify at Amazon na pala last December pa ang Christmas single nilang “Tuwing Pasko” na puwede niyo pa ring i-download. Abangan n’yo rin ang mga original song sa album ng Clique 5 na ilalabas na ngayong buwan.
Nakakatuwa ring malaman na patuloy pang dumarami ang kanilang mga supporter, isang patunay diyan ang matagumpay nilang fans day na ginanap kamakailan.

Read more...