Miyembro ng Masculados, 1 pa dakip sa shabu

Arestado ang isang miyembro ng male group na Masculdos at kanyang kasama, nang makuhaan ng hinihinalang shabu sa Taguig City nitong Huwebes, iniulat ng pulisya Huwebes.

Nadakip si Robin Robel at kasama niyang si Rodel Isaac dakong ala-1:30, sa bahagi ng M.L. Quezon Ave., Brgy. New Lower Bicutan, sabi ni chief Supt. Tomas Apolinario, direktor ng Southern Police District.
Bago iyo’y naharang sila ng mga miyembro ng Taguig City Police na nagsagawa ng “Oplan Sita,” aniya.
Nakuhaan sina Robel ng dalawang sachet na may aabot sa 2.4 gramo ng hinihinalang shabu, ani Apolinario.
Ang Masculados ay isang sing and dance group na nakilala noong 2000s, dahil sa mga kantang gaya ng “Lagot Ka,” “Macho Papa,” at “Jumbo Hotdog.”

Read more...