DU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Davao City Vice Paolo Duterte

TINANGGAP na Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging desisyon ng pangulo.
Nauna nang nagsumite si Vice Mayor Duterte ng resignation letter noong Disyembre 25, 2017.
Sa kanyang resignation letter, sinabi ng batang Duterte na nagbitiw siya dahil sa delicadeza matapos namang magsagutan sila ng kanyang anak na si Isabelle Duterte sa kanilang social media account, gayundin ang paggamit umano sa kanyang pangalan ng dating misis.

Read more...