PNP magpapakalat ng sniper sa pista ng Itim Na Nazareno

MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police (PNP) ng mga sniper sa mga matataas na istraktura para mag-monitor ng posibleng banta sa pista ng Itim Na Nazareno sa Enero 9.

“This year, we will be deploying sa [in] high-rise buildings. We will also be deploying drones in all segments,” sabi ni National Capital Region Police Office chief Police Director Oscar Albayalde sa isang press briefing.

Idinagdag ni Albayalde na tinatayang 100 tropa mula sa Special Action Force (SAF) na kinabibilangan ng mga sniper, EOD, at SWAT team ang ipapakalat  mula gabi ng Enero 8 hanggang umaga ng Enero 10.
Tinatayang aabot sa 5,613 pulis at karagdagang puwersa mula sa militar ang itinalaga na para tiyakin ang seguridad ng mga lalahok sa pista ng Itim Na Nazareno.

“Merong [there is an] observer, may [there is a] telescope ang SRU (Special Reaction Unit) ng SAF na magbabantay sa [that will guard] vital installations,” sabi pa ni Albayalde.

“One way para makita ang mga nangyayari [to see what are happening] is to monitor from the top of the buildings,” dagdag ni Albayalde.

Iginiit naman ni Albayalde na wala namang banta ng terorismo sa nakatakdang pagdiriwang ng pista ng Itim Na Nazareno.
“Sa ngayon wala tayong nakukuhang any threat. We have also conducted our own joint regional intelligence meeting so far walang nakukuhang info. Although hindi daw tayo pwede mag relax, our intelligence operatives are continuously monitoring threat groups even outside Metro Manila na pwedeng gumalaw during the Traslacion,” ayon pa kay albayalde.

Idinagdag ni Albayalde na handa na ang lahat para sa pista ng Itim Na Nazareno.

“I think everything was taken cared of. Kulang na lang dito dasal na lang,” ayon pa kay Albayalde.

Read more...