Horoscope, January 05, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2018 para magkaroon ng masusuwerte at magagandang kanaranasan, magsuot lagi ng kulay na berde. Sa pinansyal, bukod sa berde, ang pula ay hihigop din ng positibong kapalarang may kaugnayan salapi. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.
Aries – (Marso 21-April 19) — Makuntento sa kasalukuyang buhay! Sa sandaling nakuntento ka, lalong gaganda ang kapalaran. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa taong ito ng 2018 kapag kumpleto at mahusay na ang iyong sarili, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansyal, sa tulong ng isang Virgo ay mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Marami na namang hahanga sa iyo kaya dapat magamit mo sila sa mga bagay na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, may mga nagnanasa sa iyong kagandahan ngunit sa isang naka-white ka sobrang mai-in love. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Tanggapin ang alok na pag-ibig ng isang Scorpio upang maging masaya ang pasok ng taong 2018. Sa pinansyal, hindi ba’t kung minsan hindi lang pera ang nagpapaligaya, kailangan mo ring umibig at magmahal? Mapalad ang 5, 18, 24, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Anuman ang iyong gawin sa taong ito ng 2018 dapat ka ring maglaan ng oras sa iyong love life. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw na tuluyan na siyang mawawala, Kaya ito na ang tamang panahon upang ibigay mo ang iyong the best! Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Red at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Maraming hihingi ng tulong, hindi mo sila dapat na pansinin, lalo na ang mga taong hindi naman marunong magbayad. At ang dapat mong paglaanan ng pera ay ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Basta’t ituloy mo lang ang iyong mga plano. Sa taong ito ng 2018, kusang aayon sa mga kagustuhan mo ang kapalaran. Isa-isa nang matutupad ang lahat ng iyong mga inaambisyon sa buhay. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, dahil sa isang maling balita ay may pagsubok na darating. Sa panahon ngayon ay marami talagang problema kaya dapat kang magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Green at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito ng 2018, kahit na nararamdaman mong unti-unti ng kinakapos sa pera, matutong ngumiti at magpasalamat kay Lord. Sa ganyang attitude, pagdating ng Pebrero, muling gaganda ang pasok ng pera at sa relasyon muli kang liligaya. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Green ang yellow ay buenas din.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ilunsad ngayong 2018 ang mawalakang pagtitipid. Kumbinsihin ang bawat miyembro ng pamilya na maging masinop sa bawat salapi na kanilang mahahawakan. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Upang wag malungkot, wag mag-expect ng magagandang mga bagay, kumilos ka lang nang kumilos, kusang mamumunga ng positibo ang anomang bagay na ginagawa mo. Sa pag-ibig, lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2018, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan sapagkat sa taong ito ng 2018, mas marami kang makikitang sideline at mga oportunidad para madagdagan pang lalo ang kinikita. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Read more...