KASALUKUYAN nang inaayos ng bank at non-bank remittance agents ang kanilang mga sistema para sa implementasyon ng real-time processing of contributions (RTPC) na magsisimula sa Enero 16.
Nagsama-sama ang bank at non-bank collection partners noong nakaraang Nobyembre 28 at tinalakay ang mga karagdagang polisiya, sistema at patakaran na kailangan para sa RTPC.
Upang siguraduhin umani na maayos ang implementasyon ng mga pagbabago sa sistema, kailangang hikayatin ang lahat ng may kinalaman sa programang ito na gamitin ang bagong process flow ng aming electronic collection system (e-CS)
Sa ilalim ng RTPC, inaatasan ang mga collection partners na i-encode at tingnan kung tama ang employers’ at members’ Payment Reference Number (PRN) sa pamamagitan ng pagpapadala ng validation request sa SSS system. Matapos ang kumpirmasyon, maaari na nilang tanggapin ang contribution payments at ipadala ang payment confirmation sa SSS upang i-post ito kaagad.
Ipinamahagi rin ang technical specifications para sa RTPC upang isaayos ang kanilang sistema na kagaya sa SSS e-CS.
Simula noong Disyembre 1, ang lahat ng employers at individually-paying na miyembro gaya ng self-employed, non-working spouse, overseas Filipino workers (OFWs) at boluntaryong miyembro ay kinakailangang gumawa ng sarili nilang accounts sa My.SSS portal na nasa SSS website.
Matapos magrehistro sa My.SSS facility ay gagawa ng electronic collection lists (e-CL) para sa employers at electronic statements of account (e-SOA) para sa individual members.
Maaari din i-access ng employers at miyembro ang e-CL at e-SOA kung nais nilang suriin at i-update ang impormasyon gaya ng mga bago at kakaalis lamang na empleyado pati ang piniling panahon ng pagbabayad ng kontribusyon at halaga ng kontribusyon na ipapasok sa SSS
Matapos suriin at kumpirmahin ang e-CL at e-SOA, magbibigay ang SSS online facility ng Payment Reference Number (PRN) na gagamitin sa pagbabayad ng kontribusyon sa automated tellering systems ng SSS branches at ipa pang payment channels ng bank at non-bank collection partners.
Ang mga bangkong kabilang sa implementasyon ng RTPC ay Asia United Bank (AUB), Bank of Commerce (BOC), Banco de Oro (BDO), Bank of the Philippine Islands (BPI), China Bank, Land Bank of the Philippines (LBP), Metropolitan Bank and Trust Company (Metrobank), Philippine National Bank (PNB), Philippine Savings Bank (PSBank), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Security Bank, United Coconut Planters Bank (UCPB) at Union Bank of the Philippines (UnionBank).
Samantala, ang mga non-bank remittance partners gaya ng BancNet, CIS Bayad Center, G-Xchange Inc., iRemit Inc.,Lucky Money Inc., Pinoy Express Hatid Padala Services, Sky Freight Forwarders Inc., SM Mart Inc. at Ventaja International Corp., ay nagpakita din ng suporta sa RTPC.
SSS Pres at Chief
Executive Officer
Emmanuel F. Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City