PALAISIPAN ang latest post ni Marvin Agustin sa Instagram na parang may pinatatamaan. “Before you assume, learn the facts. Before you judge, understand why. Before you hurt someone, feel. Before you speak, think,” ang makahulugang post ng aktor sa IG.
Sinundan pa niya ito ng caption na, “NEVER. BE. JUDGEMENTAL. It won’t help any situation and it won’t do you any good. In fact, nakakapangit.”
Nitong nakaraang bakasyon ni Marvin sa Japan kasama ang kambal na anak, higit na binigyang-pansin ng netizens ang pagkakasama sa kanila ni Markki Stroem. Nilagyan na naman nila ng malisya ang friendship ng dalawa.
Hindi man lang nila binigyan ng halaga ang pagiging isang mabuting ama ni Marvin sa mga anak kahit na nga tambak ang trabaho niya bilang artista (isa na riyan ang serye niyang Kambal, Karibal sa GMA) at pagiging negosyante.
Kahit may nagasabing milyonaryo na si Marvin, todo-kayod pa rin siya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Payo tuloy ng followers niya, huwag na lang pansinin ang mga nega sa mundo!