Target ni Heart ngayong 2018: Mabuntis!

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

DUMATING na ang tamang panahon upang harapin naman ni Heart Evangelista ang pagbubuntis. May pahaging na siya sa kanyang Instagram account na may gagawin silang “small project” ng asawa niyang si Sen. Chiz Escudero ngayong 2018.

Patapos na rin kasi ang GMA series ni Heart na My Korean Jagiya kaya mas mahaba-habang oras na ang pwede niyang ilaan para sa pagbubuntis.

Ilang taon na rin namang kasal ang dalawa at hindi naman ipinagkakaila ng Kapuso Sweetheart na pinaparaktis din nilang mag-asawa ang sex. Hadlang nga lang ang showbiz commitments ni Heart kaya hindi niya agad nabigyan ng prayoridad ang pagkakaroon ng baby.

Kahit binabato siya ng intriga na walang kakayahang mabuntis, heto na siguro ang tamang oras upang harapin ni Heart ang maging isang ina. Tutal naman, tapos na rin ang dream house niya kaya wala nang sagabal upang maging ina naman siya, huh!

Ang The One That Got Away ang papalit sa primetime series ng GMA na My Korean Jagiya.

Read more...