Deadma Walking mas may ‘K’ maging best picture kesa sa Siargao

JOROSS GAMBOA AT EDGAR ALLAN GUZMAN

NON-STOP ang pagdagdag ng mga sinehang showing ang beshie movie ng taon, ang “Dedma Walking.”

Maraming natutuwa sa success ng movie nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman at pati na rin sa producer nitong si Rex Tiri ng T-Rex Entertainment.

Pagdating nga lang sa reviews, mas lamang ang “DW” kumpara sa “Siargao” na winner ng second best picture. Takang-taka ang nakapanood ng “DW” dahil ayon sa opinion nila, di hamak na mas may karapatan ang movie nina Joross at EA na maging isa sa MMFF 2017 best picture.

Kahit ang matapang na entertainment editor and columnst na si Isah Red ay nagpahayag na isang recommended movie ang “DW.” “It is an intelligent film about two male gay friends and their funny but touching friendship,” sey niya.

Bukod sa magagandang reviews, patuloy pa rin ang pagtabo sa takilya ng “DW.”

Read more...