Promise ni Kris Bernal ngayong 2018: Magtitipid na talaga ako!

KRIS BERNAL

SUSUGURIN ni Kris Bernal this February, 2018 ang fave destination niya, ang Iceland, para makita nang personal ang aurora borealis o ang Northern Lights. Regalo raw niya ito sa kanyang sarili matapos ang intense niyang pagtatrabaho sa GMA afternoon series na Impostora.

Natuwa si Kris nang magkaroon ng holiday break sa taping. Nakapahinga rin kasi siya sa prosthetics at eksenag gamit na gamit ang kanyang emosyon.

Bukod sa pagpunta sa dream destination, pangako ni Kris this year ang maging mas matipid.

Rason niya, “Madalas kasi kapag overworked ako or burn out, parang feeling ko, ‘Ay kailangan ko ng bagong bag or shoes!’ Pero ngayon parang gusto ko talagang mag-invest sa lupa, sa business.”

‘Yun nga lang, pagdating sa investment sa puso, hindi pa tumutodo rito ang bida ng Impostora!

Read more...