Nanay ni Janella galit sa ‘gaka’: Ang kapal!


NAPAISIP ang mga netizens at social media followers ni Janella Salvador sa mga bagong paandar ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Sa kanyang Facebook account kasi, galit na galit si Jenine sa isang “gatecrasher” sa kanilang Christmas reunion last December.

Litanya ng singer, “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions. Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing i did not come in knowing you were there (sic)?”

Hirit pa ng mommy ni Janella, “My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal!”

Maraming nagkomento sa nasabing FB post ni Jenine, kanya-kanya silang hula kung sino ang pinatutungkulan nito sa kanyang mahabang mensahe.

May mga nagsabi na baka raw ang ka-loveteam ni Janella na si Elmo Magalona ang pinariringgan ng veteran singer pero may mga ElNella fans naman ang kumontra rito dahil sa pagkakaalam nila, hindi naman daw nagpunta si Elmo sa bahay nina Janella noong nakaraang holiday season.

Read more...