Male celebrity laging pawisan, ang bantot pa ng hininga


NAGKAKAISA ang magkakaumpukang miron isang gabi na hindi lang ang kanyang career ang napabayaan ng isang magaling pa namang umarteng male personality kundi pati ang kanyang katawan.

Mula nang magkawindang-windang ang buhay at career ng pasaway na aktor ay napabayaan na niya ang hygiene. Hindi na siya kalinisan sa katawan, mukhang hindi na nga siya kakilala ng kanyang toothbrush, ewan kung nabibisita pa niya ang kanyang banyo.

Kuwento ng isang miron, “Nu’ng huli namin siyang makita, sumisigaw-sigaw pa siya. Parang OA nga ang naging reaction niya, parang hindi kami nagkita-kita nang isang dekada, samantalang nakakasama rin naman namin siya.

“Hindi kalinisan ang katawan niya, parang ilang araw siyang hindi naliligo, bukod pa sa palagi siyang pawisan. Pawis na pawis siya, tumutulo ang pawis niya, samantalang aircon naman ang kinaroroonan namin.

“Ginaw na ginaw nga ang lahat ng mga nandu’n, samantalang siya, super-pawisan!” simulang kuwento ng source.

Nagkita rin ang pasaway na aktor at ang isa pang miron sa umpukan, sa isang convenience store sila nagtagpo, OA rin ang pagbati sa kanya ng magaling pa naman sanang aktor.

“Nakakahiya nga, ang dami-dami kasing tao sa store, pero sumisigaw siya sa pagbati sa akin. He’s full of energy, parang ang dami-dami pa niyang hindi nagagamit na energy, kaya ganu’n siya ka-hyper.

“Napansin ko lang na pati ang hininga niya, e, hindi na maganda ang amoy. Siguro, dahil na rin sa pagbibisyo niya, kaya pati ang hininga niya, e, hindi na niya nababantayan.

“Nakakapanghinayang ang taong ‘yun, ang ganda-ganda na nga ng career niya, nagkaganyan pa siya. Wala kasi siyang discipline, pawarde-warde ang mga decisions niya, puro kahihiyan ang ibinibigay niya sa family nila.

“Sayang, barumbado kasi siya, wala na siyang pinakikinggan, kahit nga ang mismong pamilya niya, e, sumuko na rin sa kanya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio (magpagaling ka agad), wala nang kailangang clue. Kahit hindi kayo lasing, kilalang-kilala n’yo na kung sino siya, promise!

Read more...