Relasyon ni Kris kina Kim at Erich pang-forever na


KAPAG naging kaibigan ka ni Kris Aquino ay siguradong pang-matagalan na ito at posibleng maging pang-forever pa.

Ganito ang relasyon ng Queen of All Media sa dalawang Kapamilya actress na hanggang ngayon ay itinuturing pa rin niyang parang tunay na mga kapatid – ang tinutukoy namin ay sina Kim Chiu at Erich Gonzales. Younger sisters ang trato ni Kris sa dalawa dahil bunso nga siya in real life.

Pagkatapos suportahan ni Kris ang pelikula ni Kim na “The Ghost Bride” noong Nob. 14 sa pamamagitan ng pagpapa-block screening ay si Erich naman ang tutulungan niya.

May pa-block screening siya ngayong hapon sa Ayala Malls The 30th para sa 2017 MMFF entry nina Erich at Jericho Rosales, ang “Siargao” directed by Paul Soriano under Ten17 Productions.

Base sa caption ni Kris sa Instagram photo nila ni Erich, “Friends are the family you got to choose.”
“She’s tita Erich to my 2 & I’m her Ate Kris when we 1st visited after her heartbreak- she had the saddest eyes. Then the smile slowly returned.

“We waited for her to get home from her Japan trip & tomorrow- I’m proud to be able to host a screening of SIARGAO for our LOVE!

“Especially when it comes to my bunso, @erichgg has always been the sweetest & most responsible, we love her & are super HAPPY that GOD healed, restored, and now continues to give her SUCCESS! She’s proof- what FAITH can do & what a difference a year can really make.”

Nagsimula ang closeness nina Kris at Erich noong 2014 dahil napapadalas na noon ang guesting ng dalaga sa programang Kris TV sa ABS-CBN at magkasama rin ang dalawa nang magkaroon ng problema ang bangkang de motor na sinasakyan nila sa Palawan na isa sa featured episodes ng dating morning show ng ABS-CBN.

Kasama rin si Daniel Matsunaga sa guest at dito nga sila nagkakilala nang husto ni Erich.

Tinutukso-tukso ni Kris ang dalawa hanggang sa ma-develop na nga sa isa’t isa.

Wala nang boyfriend noon si Erich kaya malaya siyang binibiro ng ate Kris niya hanggang sa naging magkarelasyon na nga, pero pagkalipas ng dalawang taon ay nagkahiwalay din.

q q q

Going back to Kris and Erich ay nagtatawagan at nagkukumustahan na sila parati at kung tama ang alaala namin ay dumadalaw ang dalaga sa bahay ng una para bisitahin at kumustahin sina Joshua at Bimby lalo na kapag wala sa bansa ang Queen of Online World at Social Media sa bansa.

Kaya naman ngayong may pelikula si Erich ay gusto naman siyang suportahan ni Kris. Actually, pati nga ang kalendaryo ng panglalaking inumin ngayong 2018 na ine-endorse ni Erich ay pino-promote rin ni Kris.

Si Erich ang itinuturing na “bunsong kapatid” ni Kris habang si Kim naman daw ang “panganay” niya dahil 2010 pa sila nagkakilala at nagkasama sa Kapamilya teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo mula sa Dreamscape Entertainment.

Pero para kay Kris ay hindi sukatan kung sino ang panganay at bunso dahil ang katwiran niya, “Yung 2 (Kim at Erich) are really my FAVORITES. Kasi hindi sila nagbago at all. Na maintain namin the friendship.”

Samantala, nabalitaan namin na maswerte ang business ni Kris sa Ayala Malls The 30th, nandito kasi ang isa sa mga branch nila ng Potato Corner at Nacho Bimby na ayon sa mga nakausap namin ay napakalakas din sa mga nagmo-mall lalo na sa mga mahihilig sa flavoured French fries.

Sa ngayon, kung hindi kami nagkakamali, umabot na sa 22 brands ang ine-endorse ni Kris kabilang na riyan ang San Miguel Corp., BDO, PLDT, SM Supermalls at National Book Store.

At ngayong 2018, may lima pang endorsements ang madagdag diyan bukod pa sa five renewals, habang may tatlo pang under negotiations.

 

Read more...