KUNG tutuusin, case closed na ito but for the sake of discussion ay nais naming ibahagi ang aming thoughts about Pia Wurtzbach’s recent statement which agitated some members of the gay community.
Back story. Ani Pia, gusto raw niyang magkaanak ng bading dahil pagagandahin ka raw kasi nito.
Magpakatotoo na tayo, no parent—most especially a father—would wish to sire a gay son, pero (we repeat, pero kung ‘yun ang choice ng kanyang hanap in his quest for happiness that life can bring him ay wala sigurong problema).
Kung mapipigilan naman ang pagkabakla ng kanyang lumalaki’t nagkakaisip na anak, bakit hindi? Pero kung talagang no amount of military or martial arts training (like the gay comedy films of Tito Dolphy decades ago) will make a son straighten up his manner of walking minus the umiigtad na pakembut-kembot, surrender to one’s fate is probably the best option.
Hindi kataka-taka if Pia would wish to have a gay son in the future (pero kung sila ni Marlon Stockinger ang magkakatuluyan, does the famed car racer kaya share the same preference? Hmmm, puwede siguro, eh, ‘di nga ba’t ang car racer-dyowa ni Joey Mead is now a transwoman?
Pia’s predilection for wanting to have a gay son isn’t at all a shocking confession. Saang mundo ba ang ginagalawan niya, isn’t it a predominantly gay world?
Hindi lang din si Pia ang nag-iisang babae na ganu’n ang gustong maging anak. Even talent manager Lolit Solis—kung puwede pa nga siyang magbuntis at her septuagenarian age—would love a limp-wristed child.
Kaso, biniyayaan siya ng dalawang babae (both living abroad) na kung hindi pa niya dalawin o hindi magbakasyon dito ang mga ‘yon, there’ll never be physical bonding moments among them.
Katwiran ni ‘Nay Lolit, ang baklitang anak daw ay maasikaso at mapagkalinga sa kanyang ina.
Magsisipag-asawahan na’t magkakaroon ng sari-sariling mga pamilya ang mga anak who are straight men and women, but gay children will be around for their parents during the twilight of their lives.
q q q
Walang iniwan ito sa sinabi ni Pia Wurtzbach. Naka-peg nga lang ang kanyang line of reasoning sa “beauty factor.” Natural, beauty queen ang lola n’yo.
But Pia—who apologized right away—meant no harm in what she said.
Na-amplify or na-magnify lang ang “beauty factor” as though it’s the only relevant contribution ng isang beki sa mundong ito.
Given na naman kasi na maraming mga baklita are certified professionals. Huwag na nating isa-isahin pa ang kanilang propesyon.
Even the bureaucracy has its share of gay officials who are just as competent as straights. Pia’s statement was not meant to undermine—even slightly—kung ano o hanggang saan lang ang kakayahan ng mga beki as being experts in beauty only.
Kaya sa mga syufatid natin sa federacion, let’s not overreact.
Baket, kung ang sinabi kaya ng Lola Pia n’yo ay, “Ayoko ngang magkaanak ng beki kasi hanggang sa pagpapaganda lang ang knows nilang gawin!” – du’n…du’n kayo magalit.
Du’n n’yo isumpa ang Lola Pia n’yo, now you have every reason to pull her hair, scratch her face with your long manicured nails or even drag her down to the well until she drowns!
Ang OA n’yo, ha?!