Kathryn, Daniel tuluy-tuloy pa rin ang swerte hanggang 2018

MASUWERTE ang pasok ng 2018 sa lead stars ng La Luna Sangre na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Patuloy pa kasing humahataw sa takilya ang movie ni Daniel with Vice Ganda and Pia Wurtzbach, ang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad”. Si Kathryn naman ay nakasama sa 100 Most Beautiful List 2017 ng TC Candler.

Madugo ang week na ito para sa mga characters ng La Luna Sangre.

Nakipaglaban na si Malia (Kathryn) sa mga bampira. Nanudyo naman si Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) kay Sandrino (Richard Gutierrez) nang sinabi niyang natatakot ang binata sa napipintong pakikipaglaban sa kampo ni Tristan (Daniel).

Sinundan ni Malia si Tristan dahil sa takot na mapatay ito ng mga tauhan ni Sandrino.

Read more...