No-el iniumang sa Kamara

Posible umano na hindi matuloy ang eleksiyon sa 2019, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
    Sinabi ni Alvarez na kapag napalitan ang gobyerno at naging federal form magkakaroon ng transition government at hold-over capacity muna ang mga naka-upo.
    Ayon kay Alvarez ang charter change ay numero unong prayoridad ng Kongreso.
    Maaari umanong magsagawa ng Constituent Assembly ngayong buwan ang Senado at Kamara de Representantes at isabay ang referendum sa eleksyon ng Barangay sa Mayo.
      “Anything is possible…Let’s be practical. Pag nag-shift ka into a different form of government, unitary to federal, you need a transition government,” ani Alvarez.
Paliwanag niya kalahati sa mga senador ay magtatapos ang termino sa 2022 pa at hindi maaaring pababain ang mga ito sa 2019.
      “May mag-e-expire sa 2019, may mag-e-expire sa 2022. In fairness, maganda siguro kung ipa-expire mo lahat sa 2022 para wala ka nang utang,” ani Alvarez.
Hinamon din ni Alvarez ang Senado na gawin ang tama. Malamig ang pagtanggap ng Senado sa cha-cha.
        “This is a question of patriotism, kung ano yung tama at kung ano yung kailangan sa bayan,” ani Alvarez.
    Sinabi naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na lumalabas na ang intensyon  ng pagpapalit ng porma ng gobyerno ay manatili sa puwesto ang mga naka-upo.
    “The cat is out of the bag. It reveals the true intentions of the Duterte administration to perpetuate themselves in power. It speaks volume of how they have arrogated power unto themselves and instilled fear upon the people who opposes their position. Speaker Pantaleon Alvarez is gung-ho about a no-election in 2019 for national posts via a constitutional amendment through a Con-Ass. The timing of the announcement provides shock value that Speaker Alvarez hopes will pan out and be accepted by the public. This is totally unacceptable in a democracy and people must resist this public pronouncement.”

Read more...