5% pagtaas ng mga lalahok sa pista ng Itim Na Nazareno inaasahan

SINABI ng mga otoridad na inaasahan na nila ang limang porsiyentong pagtaas ng mga lalahok sa isang linggong selebrasyon ng Pista ng Itim Na Nazareno mula Disyembre 31 hanggang Enero 9.

Base sa mga datos mula sa Quiapo Church, sinabi ni Supt. Lucile Faycho, ng Manila Police District, na umabot sa 18 milyong deboto ang lumahok sa prusisyon noong isang taon at inaasauan nila ang “significant increase” sa mga dadalo.

“Based on the estimates dito po sa simbahan, there was a significant increase yearly,”  sabi ni Faycho sa isang press conference.

“So ito po, ineexpect nila na mag-i-increase siya ng five percent this year,” dagdag ni Faycho.

Inumpisahan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim Na Nazareno sa isang prusisyon noong Disyembre 31.

Sisimulan naman ang mga misa sa Quiapo Church hanggang sa Enero 9, ang araw kung saan isasagawa ang translasyon.

Read more...