Give love a second chance

DEAR Ateng Beth,
Isa po akong babae na masasabing pinaglipasan na ng panahon. Ibig sabihin, matandang dalaga na sa edad na 48. Dalawang taon na lang at golden girl na ako.
Nakaranas naman din akong magkaboyfriend pero di pinalad na makapag-asawa. Wala naman po akong regret sa pagiging matandang dalaga.
Masaya naman po ako until noong isang buwan nang dumating ang ex-childhood sweetheart ko. Naging BF ko po siya noong high school hanggang second year college.
Pero nangibang bansa ang pamilya niya at tuluyan kaming nagkahiwalay. Niha, niho, walang sulat o communication hanggang sa ito na nga po at dumating siya sa lugar namin uli.
Biyudo siya at may dalawang anak na parehong mga binata na. Ewan ko bakit nagugulo ang tahimik kong buhay ngayon? Pero aaminin kong natuwa ako nang makita ko siya at malaman na byudo na siya. Mas natuwa ako nang sabihin niya kung may pag-asa pa ba kaming dalawa? Anong gagawin ko?
Jean, Camarines Sur

Dear Ate Jean,
Sa totoo lang, ikaw lang talaga ang makakapagdesisyon niyan. Kaligayahan mo iyan, kaya tanging ikaw lang ang makagagawa kung anong sa tingin mo ay makabubuti sa iyo, lalo pa’t pag-ibig mo ang nakasalalay diyan.
Sabi mo nga, wala ka namang regret sa pagiging dalaga mo, so ibig sabihin ok lang at enjoy mo na yung sarili mong company.
Now na bumabalik ang pag ibig at namroblema ka na sa biglaang paghaba ng hair mo, bongga!
Pero bago ka bumigay nang todo-todo, ateng, itanong mo muna sa kanya bakit ni hay, ni hoy ay hindi man lang siya nagparamdam sa iyo.
Hindi rin naman biro yung ilang taong naging mag-BF/GF kayo, di ba, kahit sabihin pang mga bata pa kayo noon.
Kahit konting paliwanag, pagpaliwanagin mo yang lalaking iyan. Sabi nga ni Papa Piolo, “you deserve an acceptable explanation”.
Isa pang dapat iresolba ay ano ang pagtanggap ng mga anak niya sa iyo? Hindi naman na kayo bata para i-approve ng mga tao sa paligid ninyo pero magsilbi sana silang sounding board para hindi lang kabog ng dibdib ninyo ang maririnig n’yo.
Sa palagay mo ba kaya mong mag adjust para sa kanya? Kaya mong ipagpalit ang tahimik at masaya mong “single” life sa papasukin ninyong relasyon.
Ikaw lang talaga makakasagot nyan.
Good luck sa ‘yo ateng!

Read more...