Tim Yap, director-boyfriend nagpakasal na sa US


INULAN ng pagbati mula sa kanyang celebrity friends ang TV host-businessman na si Tim Yap matapos magpakasal sa kanyang partner na si Javi Martinez Pardo.

Naganap ang kasalan sa New York City, USA nitong nakaraang Pasko. Nitong Jan. 1 lang nag-post si Tim ng litrato nila ng kanyang asawa (magkahawak-kamay na hindi kita ang mukha) sa Instagram na may caption na, “Married.”

Bukod dito, nag-post din ang international singer-actress na si Lea Salonga ng full shot ng wedding photo nina Tim at Javi. Isa si Lea sa mga naging witness sa kasal.

“Finally, I was given permission to post this!!! I was asked by Tim and Javi to be a witness at their wedding which would take place Christmas Day 2017, and I said yes. I don’t think I’ve ever seen Tim this happy. Congratulations to you both!!!” ang caption ni Lea sa kanyang IG photo.

Kung matatandaan, noong Jan. 19, 2017 nag-propose si Tim sa kanyang boyfriend kasabay ng kanyang 40th birthday.

Read more...