Jolo, Jodi magkasamang nagpakaligaya sa Turkey; dedma pa rin sa isyu ng kasal


PINASILIP na ang mga bagong teleseryeng mapapanood sa ABS-CBN for 2018. Kasama na riyan ang pagbabalik tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Bukod kay Richard, may isa pang leading man si Jodi sa bago niyang serye, and that’s none other than Robin Padilla na super visible muli sa television. Magbabalik din bilang hurado si Robin sa Pilipinas Got Talent ngayong January, 2018.

Nagkaroon kami ng chance na makausap si Jodi bago siya umalis patungong Turkey kasama ang boyfriend na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla for their annual trip together. Last year, sa Iceland nagbakasyon ang magkasintahan.

Say ni Jolo sa amin sa Revilla mansion noong Christmas Eve, si Jodi raw ang namimili ng mga bansang pinupuntahan nila.

Mas type raw ni Jodi na puntahan ang mga bansa na hindi karaniwang pinapasyalan ng mga turista. On his part, yes lang daw siya palagi sa kanyang “boss.”

Hindi naman naitago ni VG Jolo ang sobrang kasiyahan na makasama nila si Sen. Bong Revilla noong Noche Buena.

Kung nasa loob pa raw ng PNP Custodial Center ang kanilang ama ay masaya rin naman sila.

What more daw na nakasama na ulit nila si Sen. Bong sa annual get-together dinner headed of course ng Bautista patriarch na si ex-Sen. Ramon Revilla.

Ang kyut namang pagmasdan nina Jodi at Jolo dahil sa kanilang “twinning outfit” that day. Akala namin ay nakikisabay lang sila sa uso ng magkakakarelasyong nagsusuot ng parehong damit.

Kwento ni Jolo sa amin, nauna na niyang nabili ang kanyang polo.

Nu’ng naghahanap na siya ng Christmas gift kay Jodi, nakita niya ‘yung dress sa isang store at nakitang halos kapareho ng kanyang polo shirt. Kaya buy agad ni Jolo ‘yung dress for Jodi.

q q q

It seems magiging visible na ulit si VG Jolo sa showbiz. Plantsado na ang detalye sa pelikulang gagawin niya kasama ang mga kapatid na sina Brian at Luigi.

Plano nga ni Sen. Bong ay magpatawag na si Manay Ethel Ramos ng bonggang presscon para sa movie ng tatlo niyang anak at pagiging active muli on producing films ng Imus Productions next year.

Trilogy ang movie ng Revilla brothers at iba-iba rin ang mga director. Si Dondon Santos ang magdidirek ng movie ni Jolo, habang hindi pa kumpirmado kung sinu-sino ang makakasama nila sa movie.

Pero wish namin, sana si Jodi ang maging leading lady ni Jolo sa comeback movie niya.

On Jodi’s part, tuluy-tuloy pala ang pag-aaral niya to pursue her dream of becoming a doctor. Second year pre-med student na si Jodi sa Southville International School and Colleges sa kursong BS Psychology.

At the same time, puspusan na rin ang taping niya para sa Sana Dalawa Ang Puso while si Jolo naman ay magsu-shoot na sa kanyang pagbabalik-pelikula.

Sobrang focus sa kani-kanilang career sina VG Jolo at Jodi.

No wonder, hindi pa rin sila makasagot every time natatanong tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Read more...