Automatic Philhealth membership

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Matagal na po akong nagbabasa ng inyong pahayagan.
Gusto ko lang po sana na itanong sa Philhealth kung pwede na po akong mag-avail ng automatic membership dahil ako ay isa ng senior citizen.
Pero naguguluhan pa rin po ako dahil 60 years old na ako pero may nagsabi naman na dapat ay 85 years old para maging senior at maging automatic member ng Philhealth.
Sana ay matulungan ninyo ako at kung ano ang dapat kung gawin.

Salamat
Ma. Lourdes Lara
Calapan, Oriental Mindoro

REPLY:

Bb./Gng. Lara:

Pagbati mula sa PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na maaari pong magparehistro ang isang senior citizen sa ilalim ng
RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng munisipalidad ng inyong lugar.
Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:
Maaayos na pinunan PhilHealth Member Registration Form (PMRF);
Isang updated na 1×1 picture (photo taken within the last 6 months);
Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng birth certificate o passport.
Ang mga Senior Citizen, ayon po sa ating batas, ay ang mga indibidwal na may edad 60 taong gulang pataas.

Samantala, amin pong pinapaalala na hindi po maaaring magparehistro ang kasalukuyang miyembro na ng PhilHealth sa ilalim ng Sponsored o indigent program at lifetime member program.

Salamat po.
Warm regards,

CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage. philhealth.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...