2017 minura ni Lloydie: Hindi mo ako nawasak! Salamat!!!


MAANGAS at matapang ang naging New Year message ni John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Lloydie ng isang video ng fireworks na kuha habang sinasalubong nila ang Bagong Taon.

Nilagyan niya ito ng caption na: “F*ck you 2017 you didnt break me. Salamat.”

Alam naman ng lahat na pinutakti ng kontrobersiya ang Kapamilya actor nitong nakaraang 2017, kabilang na riyan ang kanyang mga viral video kung saan makikita siyang parang lasing na lasing at kung anu-ano ang pinaggagagawa.

Kuha ang nasabing mga video sa Bantayan Island, Cebu kung saan nagbakasyon si JLC kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna. May isa pa ngang video kung saan nakunang naka-dirty finger ang aktor na umani ng batikos mula sa netizens.

Nag-sorry naman agad si Lloydie sa pamamagitan ng kanyang social media lalo na sa mga bata niyang followers. Aniya, “[D]iz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”

Bukod dito, mainit pa ring pinag-uusapan ang diumano’y pagbubuntis ni Ellen at siya nga ang sinasabing tatay ng bata. Hindi pa rin nagsasalita ang magdyowa tunkol dito, pero isang patunay daw na totoong pregnant ang sexy actress matapos makita ang dalawa sa isang ospital na magkasama.

Ang balita, sinamahan daw ni John Lloyd si Ellen para sa pre-natal check up nito. Balitang sa Abril o Mayo raw manganganak ang sexy star.

Read more...