Lea napanganga sa K-pop boy band na BTS


PATI pala ang Tony Award-winning singer-actress na si Lea Salonga ay napabilib ng sikat na sikat na K-pop group na BTS na napanood sa buong mundo sa pamamagitan ng ABC’s annual New Year’s Rockin’ Eve show.

Ayon kay Lea nasaksihan niya ang performance ng nasabing Korean boy band sa guesting ng grupo sa isang US TV show.

Sa kanyang Twitter account, tinanong ni Lea ang kanyang followers kung sinu-sino ang members ng K-pop group. Aniya, “Guys, who was that K-POP boy band on ABC’s New Year’s Rockin’ Eve??? Because, YAAAAAAAAS!!!!!”

Agad namang sumagot ang mga fans ng BTS at ipinakilala ang mga miyembro ng Korean band. Inisa-isa pa ng ilang Pinoy K-pop addict ang mga kantang pinasikat ng BTS.

Read more...