Pagmumura ni Sen. Gatchalian sa Twitter nag-viral
NAG-VIRAL sa Twitter ang pagmumura ni Sen. Win Gatchalian matapos naman siyang tawaging “trapo” ng ilang netizen nang batikusin niya ang Aquino administration, na dati niyang sinusuportahan.
Habang nagbabakasyon sa US, minura ni Gatchalian ang ilang mga Twitter users gamit ang kanyang account na @stgatchalian ng “g*go,” “g*go ka!” at “ul*l” noong Bagong Taon.
Nagsimula ito matapos magkomento si Gatchalian sa isang pahayag ng Liberal Party’s (LP) na ipaglalaban nito ang “nation’s soul” sa 2018.
“The nation already lost its soul in the last 6 years,” sagoti ni Gatchalian sa kanyang tweet.
Binatikos naman ang kanyang komento ng mga netizen, kung saan tinawag siyang “trapo”.
Ipinagtanggol naman siya ng kapwa senador na si Sen. JV Ejercito.
“In the incident involving my Co-Seatmate Sen. @stgatchalian, goes to show that we are also human, we get hurt & affected too. What is scary is if we public servants become immune from bashing & attacks from rabid haters, then we become insensitive & are like political robots,” sabi ni Ejercito sa kanyang Twitter na @jvejercito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.