Kilalang female star nagsawa sa karelasyong celebrity


BISI-BISIHAN ang drama ng aktres ngayon para hindi na malungkot at ma-depress – wala na siyang lovelife dahil ang ex-boyfriend niya ay nakahanap na ng bagong pag-ibig.

Nakapagtataka nga kung bakit nahiwalay ang aktres sa boyfriend niya, e, magkasundo naman sila sa lahat kaya marami ang nagulat nu’ng mag-break na sila.

Wala silang maibigay na dahilan kung bakit nila winakasan ang kanilang pagsasama sa loob ng mahabang panahon.

Anyway, mukhang tagumpay naman ang aktres sa pagpapaka-busy dahil ang dami niyang projects ngayong 2018 both sa movies and TV kaya malaking tulong ito para makapag-move on agad siya.

Kuwento naman ng isang taong malapit sa aktres, “Matagal na siyang nakapag-move on, natatawa na nga lang siya kapag tinatanong pa sa kanya ang ex niya. Feeling ko na fall-out of love siya du’n sa guy.”

Ay ganu’n!

Read more...