Ayon kay House committee on justice chairman Reynaldo Umali sa susunod na buwan posibleng matapos ang kanilang pagdinig at sa Mayo umano maaaring maumpisahan ang impeachment trial sa Senado.
“By next month we will be able to terminate the hearings and submit for plenary approval our committee report by March. Siguro by May nasa Senate na [for trial]. This is my personal timetable,” ani Umali.
Inamin din ni Umali na hindi lahat ng 27 alegasyon ni Atty. Larry Gadon ang maisasampa sa Senado kundi magiging limitado lamang sa lima o anim.
“Hindi naman namin minamadali ito lalo’t nadadagdagan ang mga gusting tumestigo,” dagdag pa ni Umali.
Nabatid na sasalang sa pagdinig bilang testigo sina SC Associate Justices Antonio Carpio, SamuelMartires, Mariano del Castillo, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr.
Nauna ng humarap sa pagdinig sina SC Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Noel Tijam at Francis Jardeleza. Humarap na rin si retired Associate Justice Arturo Brion.
Inakusaha si Sereno ng paglabag sa Konstitusyon dahil sa kanyang mga ipinatupad na polisiya na hindi dumaan sa SC en banc. Kinuwestyon din ang pagbili niya ng P5.1 milyong halaga ng Toyota Land Cruiser at ang mga hakbang niya upang hindi makuha ng pamilya ng mahistrado ang mga benepisyo na para sa kanila.
Impeachment hindi matatapos ng Kamara ngayong buwan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...