Base sa ika-41 taunang global year-end poll ng Gallup International, napanatili ng Pilipinas ang ikatlong puwesto matapos makapagtala ng +84 net happiness score sa top 10 happiest countries ng 2017.
Tumaas ng limang puntos ang net happiness score ng Pilipinas kung saan nakapagtala ang bansa ng +79 net happiness score noong 2016.
Nanguna naman ang Fiji, na may net score na +92, na sinundan ng Colombia na may net happiness score na +87.
“2017 was a tough year with terrorist attacks over almost each week and it may have influenced personal lives all around the world. Nevertheless, a majority in all polled countries are happy,” sabi ng Gallup sa website.
Idinagdag ng Gallup na kabilang din ang Pilipinas sa mga bansa na positibo ang pagtingin sa 2018 at naniniwalang magkakaroon ng mas maunlad na ekonomiya ngayong taon.
Nasa ika-limang puwesto ang Pilipinas matapos makapagtala ng net score na +32.
Sa Hope Index naman, pang-siyam ang Pilipinas matapos makapagtala ng net optimism score na +40 sa mga naniniwala na magiging mas maganda ang taon kumpara sa 2017. Inquirer.net