3 patay sa sunog

Nasawi ang isang ginang, kanyang kasambahay, at anak nito nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga, nitong Lunes.
Nasawi sina Edith Guinto, 35; kasambahay niyang si Elizabeth Bautista, at anak nitong si Ella, 16, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng Central Luzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga, sa San Diego st., Fiesta Community, Brgy. Tabun.
Na-trap sina Edith at Ella sa banyo sa ikalawang palapag, habang si Elizabeth ay namatay sa silid, ayon naman sa isang ulat sa radyo.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog, at ang halaga ng pinsalang dinulot nito sa ari-arian, ani Grenas.

Read more...