Taga-Cebu huling jackpot winner ng Lotto noong 2017

Isang mananaya sa Cebu ang pinakahuling jackpot prize winner ng lotto noong 2017.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nagkakahalaga ng P9.6 milyon ang napanalunan ng mananaya sa Poblacion III, Carcar.
Tumaya siya ng lucky pick na nagkakahalaga ng P20. Ang winning number combination na kanyang nakuha ay 34-39-28-36-10-42.
Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanalo naman ng tig-P50,000 ang anim na mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,140 ang 592 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 11,444 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...