5K pulis ipapakalat sa piyesta ng Black Nazarene

TINATAYANG 5,000 pulis ang ipapakalat para tiyakin ang seguridad para sa piyesta ng Itim Na Nazareno sa susunod na linggo, ayon sa Manila Police District (MPD).

Sinabi ni MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo, na ito’y bukod pa sa karagdagang 1,500 pulis para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at iba pang mga tao sa araw ng Nazareno.
Idinagdag ni Margarejo na manggagaling ang 1,500 puwersa mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at iba pang police units.

Ani Margarejo bumuo na ng special task force sa mga lugar na isinailalim sa heightened alert kagaya ng Plaza Miranda, Quirino Grandstand at mga ruta na daraanan ng prusisyon.

Umabo sa 15 milyong deboto ang lumahok sa piyesta ng Itim Na Nazareno noong isang taon.

Read more...