Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration patuloy na tinatahak ng bagyo ang direksyon palabas.
Bago magtanghali kahapon ang mata ng bagyo ay nasa layong 170 kilometro sa kanluran ng Dumaguete City, Negros Oriental.
Umuusad ito sa bilis na 28 kilometro pakanluran. Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 90 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 275 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan o 265 kilometro sa silangan ng Pagasa Island.
Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Palawan kasama na ang Cuyo Island, Guimaras, Negros Oriental, Negros Occidental, katimugang bahagi ng Antique at kalimugang bahagi ng Iloilo.
Bagyong Agaton palabas na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...