Naganap ang pagsabog alas-11:05, bago ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, sabi ni Chief Insp. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.
Naganap ang insidente sa Villa Garde KTV bar, na nasa bahagi ng National Highway sa Brgy. Buenaflor, aniya.
Labing walo katao ang naitalang tinamaan ng pagsabog at isa sa kanila’y idineklarang dead on arrival sa ospital, ani Gonzales, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Inaalam pa ng lokal na pulisya kung anong uri ng pampasabog ang sumambulat ang kung sinong nasa likod ng insidente, aniya pa.
MOST READ
LATEST STORIES