Wallet ni Kris na naiwan sa taxi matapos magsimba sa Hongkong naibalik pa

KRIS AT SIRIPORN CHUNG

NAIWAN ni Kris Aquino ang kanyang wallet sa isang taxi na sinakyan nila sa Hong Kong.

Sa HK nag-celebrate ng Bagong Taon ang Queen of All Media kasama ang mga anak na sina Joshua ay Bimby at doon nga niya na-experience ang kabaitan at honesty ng isang turista.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang litrato niya kasama ang babaeng nagbalik ng kanyang wallet.

“I went to Mass on my own, dropped my wallet in the taxi. These super nice people found my wallet on the floor & contacted me.

“The woman in the coat is from Thailand & she was the 1 who made the effort to personally return my wallet – her name is SIRIPORN CHUNG,” mensahe pa ni Tetay.

Dahil dito, may idinagdag ang Queen of Social Media sa kanyang 2018 goals.

“And let’s add another 2018 goal – to not so be dependent on @alvingagui, @jacksalvador & Bincai, so I’ll be more responsible in taking care of my things,” post niya sa IG.

 

Read more...