Roque sinabing isa pang opisyal nakatakdang sibakin ni DU30

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa pang opisyal ang nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte.
“Isang tao na naman po ang sisibakin ni Presidente,” sabi ni Roque sa panayam sa DZBB.
Ito’y matapos tanggalin sa puwesto ni Duterte si  dating Presidential Commission for the Urban Poor chair Terry Ridon at lahat ng commissioner ng ahensiya dahil sa junket.
“Top level, wala namang low level na sisibakin si Presidente,” dagdag ni Roque.
Tumanggi namang pangalanan ni Roque ang opisyal sa pagsasabing ihahayag ito sa kanyang briefing sa Enero 3.

Read more...