NAHAHARAP sa kasong homicide ang 10 pulis na nakatalaga sa Mandaluyong, kasama ang tatlong barangay tanod na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao noong Disyembre 28.
“We have filed cases of homicide against 10 policemen at tsaka doon sa tatlong barangay tanods (and to the three village watchmen),” sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde sa isang press conference sa Camp Crame.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng NCRPO ang 10 pulis na taga Mandaluyong.
Matatandaang pinaulanan ng bala ng mga pulis at mga tanod ang isang Mitsubishi Adventure AUV sa kahabaan ng Shaw Bouleverad malapit sa Old Wack Wack road.
Nagresulta ang sinasabing kaso ng mistaken identity, sa pagkamatay ng Jonalyn Ambaon at laborer na si Jomar Hayawun.
Nagtamo rin ka-live in ni Ambaon na si Eliseo Aluad at friver ng van na si Danilo Santiago ng maraming tama ng bala.