10 police Mandaluyong; 3 tanod nahaharap sa kasong  homicide | Bandera

10 police Mandaluyong; 3 tanod nahaharap sa kasong  homicide

- January 01, 2018 - 04:59 PM

Ang lugar ng pinangyarihan matapos ang insidente. RADYO INQUIRER

NAHAHARAP sa kasong homicide ang 10 pulis na nakatalaga sa Mandaluyong, kasama ang tatlong barangay tanod na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao noong Disyembre 28.

“We have filed cases of homicide against 10 policemen at tsaka doon sa tatlong barangay tanods (and to the three village watchmen),” sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde sa isang press conference sa Camp Crame.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NCRPO ang 10 pulis na taga Mandaluyong.

Matatandaang pinaulanan ng bala ng mga pulis at mga tanod ang isang Mitsubishi Adventure AUV sa kahabaan ng Shaw Bouleverad malapit sa Old Wack Wack road.

Nagresulta ang sinasabing kaso ng mistaken identity, sa pagkamatay ng Jonalyn Ambaon at laborer na si Jomar Hayawun.

Nagtamo rin ka-live in ni Ambaon na si Eliseo Aluad at friver ng van na si Danilo Santiago ng maraming tama ng bala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending