P180M jackpot ng Ultra Lotto 6/58 | Bandera

P180M jackpot ng Ultra Lotto 6/58

Leifbilly Begas |January 01,2018
facebook
share this

P180M jackpot ng Ultra Lotto 6/58

Leifbilly Begas - January 01, 2018 - 02:56 PM
Inaasahang aabot sa P180 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas. Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa winning number combination na 43-06-14-24-15-25 sa bola noong Disyembre 31.     Umabot sa P175.9 milyon ang halaga ng jackpot sa pinakahuling bola.     Nanalo naman ng tig-P83,700 ang 12 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.     Tig-P1,140 naman ang 699 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 14,922 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending