BPO nanatiling patok na trabaho ngayong 2017 | Bandera

BPO nanatiling patok na trabaho ngayong 2017

Liza Soriano - December 30, 2017 - 12:15 AM

SA pagtatapos ng taon, . ang business process outsourcing industry (BPO) pa rin ang nanatiling in-demand o patok na trabaho ngayong 2017
Sa talaan ng PhilJobnet ng Department of Labor and Employment’s internet-based job and applicant matching system , lumalabas na sa buong buwan ng 2017, ang may pinakamaraming oportunidad sa trabaho o pangangailangan para maging call center agent
May kabuuang 133,300 call center agent positions mula January hanggang December,2017

Nagtala rin ng iba pang bakanteng trabaho ang online portal tulad ng Staff Nurse na may 545; Specialized Nurse sa 400; Line Installer na may 400; Customer Service Assistant, 321; Food Server, 300; Cashier, 281; Waitress, 250; Sales Clerk, 215; at Stall Salesperson na mayroong 200 bakanteng trabaho.
Mayroon ring bakanteng posisyon bilang Private Housekeeper, 170; Building Construction Engineer,140; Accounting Staff na may 133; Bagger may 120; Financial/Accounts Specialist, 111; Domestic Helper na may 110; Food Attendant sa 105; Sales Manager na may 100; Secondary Technical Education Teacher na mayroong 100; at Building Caretaker na mayroong 100 bakanteng trabaho.

Hinikayat naman ang publiko na gamitin ang mga serbisyong handog ng PhilJobNet .

Ang mga jobseekers atleast 15 years old ay maaaring magparehistro sa Phil.JobNet. .

Maaari din itong gamitin ng mga employers para mag imbita ng registered applicants para sa job interview

Ang employment opportunities at iba pang labor market information na wala sa mga job fair sites gaya ng schools, malls, city o town halls ay maaaring makita sa PhilJobnet na dinisenyo para sa mga

Ang serbisyo ng PhilJobNet ay libre para sa mga naghahanap ng trabaho at maging sa mga establisimento.

Ang pasilidad nito ay maaaring ma-access sa mga Job Search Kiosks, isang ATM-type stand-alone equipment, sa mga DOLE attached agencies regional offices, Public Employment Service Offices (PESOs), piling mga paaralan sa buong bansa.

Para sa karagdagang bakanteng trabaho at iba pang employment facilitation services, ang mga job seeker at employer ay maaaring mag-log on sa https://philjobnet.gov.ph/

Sa pagsapit ng taong 2018 , ano kaya ang magiging patok na trabaho para sa ating mga kababayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending