Mandaluyong Police chief, 10 pang pulis sibak matapos ang ‘deadly mistake’

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Mandaluyong Police at 10 ng kanyang mga tauhan nitong Biyernes matapos ang shooting incident  na ikinasawi ng dalawa katao.

Iniutos ni National Capital Region Police (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang pagsibak kay Sr. Supt.  Moises Villaceran Jr. at 10 tauhan niya.

Huwebes ng gabi, pinagbabaril ng Mandaluyong police kasama ang ilang barangay tanong ang mga pasahero ng isang puting  Mitsubishi Adventure van sa Shaw Boulevard corner Old Wack-Wack Road.

Sinasabing kaso ng mistaken identity ang nangyaring pamamaril.

 

Read more...