HUMINGI ng pang-unawa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa LGBT community na na-offend sa ginawa niyang pag-amin tungkol sa pangarap niyang magkaroon ng bading na anak.
Sa naging panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Pia kamakailan, sinabi nitong gustung-gusto niyang magkaanak ng beki, “Because I really believe na aalagaan ka nila pagka matanda ka na.
“Not to say na hindi ka aalagaan kung straight iyong anak mo, pero based on my experience, iba mag-alaga iyong beki. And gusto kong ma-experience iyong mayroon (akong anak), excited na bihisan ako, ayusan ako, alagaan ako.
“Parang magiging best friend ko. Nai-imagine ko na iyong anak ko, magiging best friend ko at beki siya,” sabi pa ni Pia.
Maraming na-hurt at na-offend sa mga pahayag ng dalaga at karamihan nga sa mga nag-react ay mga bading. May nagsabing kinontra raw ni Pia ang sariling advocacy tungkol sa gender equality at pagsusulong sa LGBT rights.
Dahil dito, agad naglabas ng official statement sa pamamagitan ng Twitter ang beauty queen-actress upang linawin ang kanyang naging pahayag.
“Please don’t misinterpret what I said. I have high regards for the LGBT. It was just a fun interview, guys! Meant no disrespect at all. Mahal ko kayo.
“Meant no malice at all. I didn’t mean to offend anyone. I’m sorry for the misunderstanding. Na misinterpret langpo,” sabi pa ni Pia.
Dagdag pa niya, “Lesson learned: always always be cautious with what you say!”
In fairness, may mga supporters din naman ang dalaga na nagtanggol sa kanya at nagsabing naniniwala sila na hindi sinasadya ni Pia na makasakit ng kanyang kapwa, lalo na ng mga miyembro ng LGBT.