“SO… we lost out in Trinoma. Our film ‘Larawan’ will be replaced tomorrow. Hope we get a return engagement.
“Thanks very much to those who supported the film today!!!!! People who watched today were profuse in praise. Salamat muli! Try catching it in other cinemas.”
That was Ryan Cayabyab’s social media post after learning na pinapalitan na sa ilang sinehan ang pinagpapalabasan ng “Ang Larawan.”
“So, why is #Larawan not showing in more theaters? Isn’t this a film festival? Sigh. Nakakalungkot naman. Hindi nakakagulat, which makes it even more sad.”
‘Yan naman ang sentiment ni Lea Salonga.
Some netizens gave their two cents worth about the pull-out.
“Expected naman siguro yon. Kaya lang dapat di pa rin ipull out kasi may nanonood naman.
Nanghihinayang lang siguro yung mga may-ari ng sinehan sa EXTRA INCOME. Kapag MAINSTREAM kasi siguradong PUNO.
“Ibalato nyo na ito sa mga producer na sumusugal sa quality films. Pabawiin nyo man lang sana. Hindi naman siguro kayo lugi kung kahit man lang isang sinehan ilagay nyo sila.”
“Sobrang ganda ng Ang Larawan. Nick Joaquin ba naman. Hay. Nakakalungkot lang na mas pinipili na lang ng mga Pinoy ang kahit anong ‘good vibes’ kahit na sobrang babaw at walang laman. Sana naman sa susunod taasan naman ang quality ng films na ginagawa nila. Pwede namang good vibes na, dekalidad pa.”
“Movies like Ang Larawan should be played during the month of August ‘Buwan ng Wika’ and June. Di talaga hahatak ng tao yan pag Pasko. Remember bata ang manonood talaga. Pamilya.”
“Pero di rin naman dapat tangalin agad sa sinehan. Give it another 2 days or after the whole MMFF event bago ipull out.”
“Kawawa tayo binigyan na ng magandang pelikula doon pa rin sa walang kwenta. Nakakainis ang movie theatres at Pinoy movie goers. Kaya mahirap pa rin ang pilipinas. Choice natin eh na manatilung dull.”
Hindi na kami nagtataka kung bakit na-pullout ang “Larawan.” This only means na hindi ito pumatok sa takilya, na konti lang ang nanood nito.
Actually, may nabasa kaming chika na pinag-usapan naman daw ng theatre owners at movie producer ang ganitong set-up. Alam naman daw ng producer na mahina sa takilya ang kanilang movie kaya ito na-pullout. Pero kahapon, balitang ibinalik sa ilang sinehan ang “Larawan” dahil nga marami itong napanalunan sa nakaraang MMFF Gabi Ng Parangal including Best Picture at Best Actress for Joanna Ampil.