Angel, Neil na-shock nang pumila para manood ng MMFF entry ni Vice

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

MANONOOD  pala sana ang La Luna Sangre star na si Angel Locsin kasama ang boyfriend niyang si Neil Arce. Ang movie of choice sana nila ay ang Vice Ganda starrer na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad.”

“Wala na po, soldout na,” say ng ticket seller kay Angel.

“Ha? Eh, kahapon pa kami nakapila. Paano ito?” say ni Angel.

Medyo naloka ang magdyowa dahil sinabi ng nagbebenta ng ticket na walang ticket na available dahil sold out na.

Sa social media, panay papuri ang inabot ng movie ni Vice.

“Yong tawa ako ng tawa kanina habang nanonood ako ng revengers, this movie is worth watching for.

Saya-saya lang, walang pretension!”

“Yung feeling na may beauty standards ang mundo ito dapat mong panoorin. Matatawa ka at mapapaisip na nangyayari pala talaga itong mga bagay na ito sa ating paligid.”

Read more...