Derek, Joanna Best Actor at Best Actress sa MMFF 2017; ‘Ang Larawan’ waging Best Picture

DEREK RAMSAY AT JOANNA AMPIL

LUMARGA agad sa Palawan kahapon si Derek Ramsay kasama ang pamilya at kaibigan matapos ang Gabi ng Parangal ng 2017 Metro Manila Film Festival.

Tinanghal na Best Actor si Derek dahil sa performance niya sa movie nila ni Jennylyn Mercado na “All Of You” na nagwagi ring 3rd Best Picture. Tinanggap din ng aktor ang special award na Male Star of the Night.

Ipinagmalaki ni Derek ang natanggap na tropeyo sa kanyang Instagram.

“Thank you to MMFF for this prestigious unforgettable experience. @dan_villegas thank you for guiding me and helping me bring life to Gab.

“Tnx to @jennylynmercado for being such a great leading lady. Salazar (salamat?) sa lahat ng team #allofyou mas lalo na kay Atty. Joji, Carl and Patty. Love you all. Congratulations to all of us,” caption ni Derek.

Hindi man pinalad makuha ang Best Actress Award, bumati rin si Jen kay Derek with matching sey na,

“It’s a tie!” Kumbaga, nakadalawa na ring Best Actor Award si Derek (English Only Please at All Of You) gaya niya para sa “English Only Please” at “#Walang Forever” bilang Best Actress naman.

***

Karay-karay ni Joanna Ampil ang foreigner boyfriend nang bumalik siya sa bansa nu’ng Miyerkoles nang umaga para dumalo sa Gabi ng Parangal ng 2017 MMFF.

Isa sa female lead si Joanna ng entry na “Ang Larawan.” Hindi nagkamali ang forecast ng marami na siya ang tatanghaling Best Actress na kanya namang napanalunan.

First full length mainstream movie ito ng tinaguriang West End Superstar. Higit kasi siyang nakilala sa teatro at nang mapili gumanap bilang lead actress ng “Miss Saigon,” nagmarka ang kanyang pangalan.
Ilan sa ginawa niyang musical play sa West End ay ang “Avenue@”, “Les Miserables” at kasalukuyan siyang bahagi ng “Cats.”

At least hindi napahiya si Joanna sa kanyang boyfriend dahil hindi nasayang ang pag-uwi nila sa bansa.
Ang “Larawan” din ang hinirang na Best Picture ng festival at winner din ng Gatpuno Antonio Villegas Memorial Award.

Second Best Picture ang Siargao” na nagpanalo rin kay Paul Soriano bilang best Director habang Third Best Picture ang “All Of You.”

Best Supporting Actor naman si Edgar Allan Guzman para sa “Deadma Walking” at si Jasmine Curtis ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa “Siargao”.

Read more...