Sagot ni Ellen sa tanong kung buntis na ba siya: Hirap na hirap silang mag-move on! Lol!

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

MULING gumawa ng ingay sa social media ang pa-mysterious couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito’y matapos mag-post ang sexy star ng bagong photo nila ni Lloydie na kuha noong nakaraang Pasko.

Makikita sa Instagram photo ang dalawa habang nakaupo sa hagdan ng tinitirhan nilang bahay na may maikling caption na, “Merry Xmas!!!”

Marami ang nagsasabi na pag-aari raw iyon ni John Lloyd kaya maaaring totoo nga ang naunang balita na matagal nang nagsasama ang dalawa sa iisang bubong. Meron namang nagsabi na condo raw iyon ni Ellen.

Sa comment section ng IG post ni Ellen ay may nagtanong kay Ellen kung “Buntis ka ba talaga?” Na sinagot naman ng dyowa ni Lloydie ng, “LOL! Hirap na hirap sila mag move on (laughing emojis).”

Dahil sa posisyon ni Ellen sa nasabing photo ay hindi obvious ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang linggo na ang nakararaan nang mabalitang buntis na si Ellen at si John Lloyd nga raw ang ama.

Kamakailan lang ay kumalat ang ilang litrato sa social media kung saan makikita ang dalawa sa loob ng isang ospital kung saan nagpa-prenatal check-up si Ellen.

Bukod dito, ibinandera rin ni Ellen sa kanyang IG ang tila engagement ring na ibinigay sa kanya ni John Lloyd kasunod ang balitang pamamanhikan ng binata sa magulang ng kanyang girlfriend.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad ang magdyowa sa publiko para diretsong aminin sa madlang pipol kung totoong magiging nanay at tatay na sila very soon.

Wala pa ring iniisyung formal statement si John Lloyd kung kailan ba siya babalik sa ABS-CBN. Hindi naman masagot ng mga bossing ng Network kung ano ba talaga ang plano ni Lloydie sa kanyang career.

Read more...