Zia waging ‘Star of the Night’ sa reunion ng Dantes family

ZIA, MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

STAR of the night si Zia Dantes nang magkaroon ng reunion ang clan ni Dingdong Dantes nitong nakaraang holiday.

Proud daddy si Dong na ipinost sa Instagram ang picture ng anak na nakatalikod sa camera dahil kaharap niya ang mga pinsan habang nagpi-perform.

“Somebody performed really well last night #GonziReunion2017,” caption ni Dong.

“Bata pa lang marunong nang mag-enterain n mga tao. Zia is so cute and smart. She is the star of the night,” komento ng isang follower ng GMA Primetime King.

Sa isang foto ni Dingdong sa IG, hayun at kasama niya ang anak at asawang si Marian Rivera na pasakay ng eroplano para sa kanilang holiday vacation. Hindi lang kami sure kung doon na sila magse-celebrate ng New Year!

Read more...