NAGBITIW sa tungkulin si Paolo “Polong” Duterte bilang vice mayor ng Davao City.
Si Polong ay isa sa dalawang anak na lalaki ni Pangulong Digong. (Officially, that is, dahil malikot sa aparato itong si Digong).
Nagdesisyon si Polong na magbitiw dahil sa “word war” niya sa kanyang anak na si Isabelle, 15, na nag-viral sa social media.
Sabi ni Digong kay Polong na hindi siya makikialam sa desisyon ng anak.
“Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo,” ani Digong kay Polong.
***
Sakit sa ulo ni Digong si Polong noon pa man.
Matagal nang panahon nang binugbog ni Polong ang isang security guard, bagay na muntik magtulak kay Digong na magbitiw noon bilang congressman dahil sa kahihiyan.
Panahon yun ni Pangulong Erap nang ihain ni Digong ang kanyang resignation.
Di malaman ni Erap kung ano ang gagawin dahil hindi naman miyembro ng Executive branch ang isang mambabatas kundi ang Kongreso.
Ayaw namang tanggapin ng Kongreso ang resignation ni Congressman Duterte.
***
Maraming nagsasabi na mabait na tao itong si Polong. But many of his friends take advantage of him, such as dropping his name sa Bureau of Customs noon pa man.
Kung may blessing man si Polong na gamitin ang kanyang pangalan ay hindi natin malalaman.
Pero ang pagkadawit niya sa smuggling ng P6.5 bilyong shabu na inilabas sa Port of Manila ay malaking sampal sa kanya at maging sa kanyang ama na galit na galit sa droga.
Sabi ni Polong, ang isyu sa P6.5 bilyong droga na nagsasabit sa kanyang pangalan ang isa sa dahilan kung bakit siya nagbitiw.
Kung ganoon ay minana niya sa kanyang ama ang pagkakaroon ng delicadeza.
Like father, like son.
***
Napaiyak si Digong sa dami ng namatay sa sunog sa isang mall sa Davao City.
Bihirang nakikitang umiiyak sa publiko ang barakong si Digong. Una siyang nakitang umiyak ay sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang matapos ihayag ang kanyang pagkapanalo bilang pangulo noong 2016 presidential elections.
Sinasabi ng kanyang mga kritiko na walang puso itong si Digong.
Oo nga’t walang puso si Digong kung mga pusakal na kriminal ang pag-uusapan.
Pero madaling maantig ang puso ng ating Pangulo sa mga kapus-palad.
***
Sinabi ng Malakanyang na ang kampanya ng administrasyon laban sa droga ay “hugely successful” o napakalaking tagumpay.
Pinatotohanan yan ng pagbagsak ng krimen sa buong kapuluan, lalo na sa Metro Manila.
Ang mga kalye ay ligtas na sa mga masasamang-loob.
Nakakatulog na ng mahimbing ang mga tao dahil alam nila na mabibilang na lang sa ating mga daliri ang mga akyat bahay.
Bakit? Dahil ang mga holdaper, bag-snatcher, mandurukot, mga taong nananaksak na walang dahilan, mga rapists, at mga taong nagtitinda sa kanila ng shabu, ay nagsisitago o patay na.
Kaunting panahon pa at magiging kasing-tahimik ng Davao City ang buong bansa.
Sa Davao City, kahit dis-oras ng gabi ka maglakad ay walang gagalaw sa iyo.
Sa Davao City, walang nagtutulak ng shabu. At kung meron man ay bilang na ang kanyang mga araw.
***
May isang kolehiyala na pinatay matapos gahasain ng isang addict.
Di pa nakontento ang addict, pinasakan pa ng barbecue stick ang ari ng pobreng biktima.
Nahuli ang salarin.
Pinagkumpul-kumpol ang ilang barbecue sticks at itinali upang maging isa.
Iminaso ang pinagkumpol-kumpol na barbecue sticks sa dibdib ng salarin ng mga vigilantes.
Habang minamaso ang mga matutulis na kahoy sa kanyang dibdib, may kumuha ng litrato sa kanya.
Ikinalat sa buong lungsod ang poster ng salarin na namatay na nakadilat ang mga mata dahil sa takot at hirap.
Nakasulat sa ilalim ng litrato: “Ako ay lumapastangan ng isang babae.” Or words to that effect.
Nagsialisan sa lungsod ang mga masasamang-loob.